The Second Congressional Commission on Education was officially convened today, January 23, 2023.
Created by virtue of Republic Act 11899, the Commission is expected to complete its task by 2025. It is co-chaired by Senator Sherwin Gatchalian, Senator Francis “Chiz” Escudero, Congressman Roman Romulo, and Congressman Mark Go.
According to Senator Gatchalian, “The commencement of EDCOM II is a historic move and a significant step forward in our efforts to reverse our country’s education crisis. Through the reforms that we will pursue, we will build a world-class education and produce globally competitive Filipinos at par with the world’s best.”
The EDCOM II Technical Secretariat, headed by the Executive Director Karol Mark Yee, also began its task to support the Commission. Yee previously served as Executive Director of the Commission on Higher Education and recently completed his PhD in Education at the University of Cambridge.
EDCOM II is mandated to undertake a national review and assessment of education agencies, formulate policy and program recommendations, and endorse an education reform roadmap to address the learning crisis.
To aid in its task, EDCOM II will refer to its Advisory Council, which includes recognized experts from the academe, business sector, government education agencies, heads of LGUs, and civil society organizations and partners engaged in education. Members of the Advisory Council include Pasig City Mayor Vico Sotto, Taguig City Mayor Lani Cayetano, Private Education Assistance Committee (PEAC) Executive Director Doris Ferrer, and former Ateneo de Manila President Bienvenido Nebres, SJ.
Over the next few days, the Commission, together with the Advisory Council and the Technical Secretariat, will formulate the overall strategy for its three-year lifespan.
EDCOM II follows in the footsteps of the First Congressional Commission on Education, launched on June 17, 1990. The findings from EDCOM I brought about landmark changes to the education sector, including the creation of CHED and TESDA.
# # #
EDCOM II Inilunsad, Susuriin ang Edukasyon sa Bansa
Inilunsad ang Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) ngayong araw, Enero 23, 2023.
Nilikha ang Komisyon sa pamamagitan ng Batas Republika 11899 (RA 11899), at inaasahang matapos pagdating ng taong 2025. Ito ay pinamumunuan nina Senador Sherwin Gatchalian, Senador Francis “Chiz” Escudero, Kongresista Roman Romulo, at Kongresista Mark Go.
Ayon kay Senador Gatchalian, “Ang pagsisimula ng EDCOM II ay isang makasaysayan at makabuluhang hakbang sa ating pagsisikap na baligtarin ang krisis sa edukasyon ng bansa. Sa pamamagitan ng mga repormang ating gagawin, bubuo tayo ng isang world-class na sistema ng edukasyon”.
Nag-umpisa rin ang EDCOM II Technical Secretariat, na pinamumunuan ni Executive Director Karol Mark Yee, sa layunin nitong suportahan ang Komisyon. Si Yee ay dating Executive Director ng Commission on Higher Education at kamakailan lang ay nagtapos ng PhD in Education sa University of Cambridge.
Ang EDCOM II ay naka-mandato na isagawa ang isang pambansang pagsusuri at pagtatasa ng mga ahensya ng edukasyon, bumalangkas ng mga rekomendasyon sa patakaran at programa, at mag-endorso ng roadmap ng reporma sa edukasyon upang matugunan ang learning crisis sa bansa.
Upang matulungan sa layuning ito, ang EDCOM II ay sasangguni sa isang Advisory Council, na kinabibilangan ng mga eksperto galing sa akademya, negosyo, ahensya ng gobyerno, mga punong-lungsod, at mga civil society organizations. Kabilang sa Advisory Council sina Mayor Vico Sotto ng Pasig City, Mayor Lani Cayetano ng Taguig City, Private Education Assistance Committe (PEAC) Executive Director Doris Ferrer, at dating presidente ng Ateneo de Manila na si Bienvenido Nebres, SJ.
Sa mga dadating na araw ay magbabalangkas ang Komisyon ng istratehiya para sa tatlong-taong buhay ng Komisyon.
Ang EDCOM II ay sumusunod sa yapak ng First Congressional Commission on Education, na inilunsad noong Hunyo 17, 1990. Ang mga resulta galing sa EDCOM I ay nagdala ng mahahalagang pagbabago sa edukasyon sa Pilipinas, kabilang na ang paglikha ng CHED at TESDA.
MEDIA NOTE: All interview requests related to EDCOM II should be directed to the EDCOM II Communications and Avocacy Office, [email protected]. More information at www.edcom2.gov.ph.